Lamas

Published Agosto 1, 2011 by FauRafili

“ano na teh! punta tau kina Maldo, birthday niya ngaun!” ang text sakin ni Haris.

“kaw na lang. di pako kumakain at isa pa were not invited naman eh!” ang reply ko sa kanya.

“diba nung bday mo ikaw na rin nagsabi na kung KAIBIGAN mo ang isang tao hindi na kailangan ng invitation at gumora na kagad!” ang sagot naman ni Haris.

“eh hindi ko naman siya kaibigan eh! Chos! di pako kumakain eh!” ang sagot ko naman.

“andito nako kina Beng. tinext ka na pala eh! arte neto!” ang muling text ni Haris.

aba at tinext na nga ako ng reyna maldita (maldo) ang pamintang hindi mo maintindihan at ayaw umaming paminta siya for life.

“punta ka dito kina te beng, inuman tau! andito na si Haris!” ang text ni Maldo.

tinext lang ako nung nakita si Haris. ano yun? di man lang ako naalala??? hindi na sana ako pupunta pero naisip ko, invited na eh GORA NA! nagdinner lang ako then dumiretso nako sa bahay ni Beng Balot. andun na sila, andun din si Eloida Mirasol (jonathan) na saksakan ng maldita. wala siyang ibang kasamang beki kaya itsa-pwera si bakla. hindi naman kasi niya kayang makipagsabayan sa mga otoko-de-sho. nung una tatahi-tahimik ako. pero nang dumami na ng dumami ang tao at nakarami na rin ako ng tagay. nakipag-chikahan nako sa mga otoko. nakipaglandian.

jun-jun, maldo, saddam at empol

“nakakamiss din yung ganito no? yung madami tau! yung gaya ng dati!” ang sabi ni Haris. matagal tagal na rin kasing hindi kami gumogora sa baler ni Beng Balot kung saan eh kami dati ang mga prinsesita. matagal na rin kasi mula noong nagkanya-kanya kami ng buhay. napag-uusapan nga namin nina Haris, Von at Enzo minsan na nakakasawa na yung ganung eksena. samantalang dati eh gabi-gabi kaming lumalaklak. pag me pera eh Rh pag waley naman eh Empi Lyts at pag waley na waley na talaga, Kabog na ang Gin Kapitan na naging all-time favorite namin dahil nga skwala-lumpoor lang naman kame.

dumating ang betty la fea kong si Saddam. ewan ko ba kung bakit Saddam ang naging tawag sa kanya samantalang ang cute cute naman niya at Jayson ang real name niya.

nagpakangenge kami ng bongga! hanggang sa alas singko na ng umaga! tuloy pa din ang inuman. doon na daw matutulog si Saddam kaya naisip kong dun na rin matulog, tamang-tama dun din matutulog si Haris – jumoin din si Empol. tabi agad kami ni Saddam (kalandian nga naman!) pinatay na ang ilaw. niyakap ko kaagad siya ng bonggahan. si Haris umeeksena yung kamay nakikiyakap ke Saddam. inaalis ko na lang (“AKINNNNN????”) nakatulog na rin sa wakas silang lahat. ewan ko lang si Saddam. basta ako hindi lang yakap ang ginawa ko. hinalikan, hinimas, etc. pero hindi ko siya binoooks! tama nang ganun. keri nga yun crush ko nang matagal na panahon, kayakap ko na nang gabing yun!!!! tama na. mababaw lang ako no.

may nagising na. yung ate ni Beng. tumayo na din ako. 7am na ata yun. hinahanap ko tsinelas ko nang biglang nagsalita si Saddam. “andun sa gilid kasama ng tsinelas ko.” ang wika niya. saka ko lang narealize na gising pala siya, at pareho pala ang slippers namin. yun ata ang tinatawag na destiny. nag wave ako sa kanya at umuwi.

Advertisements

4 comments on “Lamas

  • Click Here to Comment !

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

    Connecting to %s

    %d bloggers like this: