Ako na ang Beki ..

Published Setyembre 13, 2011 by FauRafili

huli ko siyang nakita noong birthday party ko.

oo na. inimbita ko siya kasi gusto kong ipakita sa kanya na malaki na ang ipinagbago ng lahat sa akin. pati puso ko. pero bigo ako. shutanginamesh na layfsung naman kasi itembang. wit ko kering mag move on ng bongs.

move on. get over it. ipakita sa kanya at sa madlang pips na wit ko na siya bet. AS IN! pero dala ng kalasingan at kabaliwan ko. hindi ko na nakontrol ang mga pinagsasasabi ko. akala ko kasi dramatic ang eksena ko. yun bang malungkot na mukhang masaya na hindi mo maintindihan at may itinatago palang sikdo sa dibdib.

“mahal na mahal pa rin kita, siguro nasanay lang ako na wala ka na sa tabi ko kaya dedma lang ako na wala ka.” ang wika kong me pinipilit na patuluin ang luha mula sa left eye ko. pero wit. hindi ko tuloy malaman kung naka move on na nga bang talaga ako o ano.

takte. umalis siya nung gabing iyon na nakatanim sa isipan na bet na bet ko pa rin siya.

ambisyoso.

ano yun? martir ng san pablo? gudlak naman diba. oo aaminin ko. bet ko pa siyang bookingin at magpaboross ng light na light sa kanya pero HALLLLER! wit ko na siya bet iyakan, eksenahan at kung anek anek pang ka-echusan. hindi naman ganun kadaks ang notring nya para sambahin. at hindi rin naman ganun kabongga ang fezlaboom niya para ipagpatayan.

tangina nya.

bitter? hindi no. kung bitter ako e di dinedma ko siya ng bonggang bonga. pero wit. inasikaso ko siya bilang isang normal na kakilala. YIIIZ, hindi jowa at hindi friendiva. kundi isang kakilalala lang.

bet ko siyang maka-sex. TAMA! pero wit ko siya bet balikan. EVER! antagal ko nang tigangers. bet ko na makipa charutan sa kama at bumongga ng tamang-tama lang sa eksena. ako na bakla. pero “AKO, SI ECHOSERANG FROG! AY PUMAPAYAG, NA MAGING BAKLA, HABANGGGGG BUHHHAAAAY!” corny lang. masaya kaya maging beki. kung alam lang nila. pero bet ko ring magka-keps. haha!

Sana :-))

Published Setyembre 5, 2011 by FauRafili

matapos ang laklakang umaatikabo, ang wasakang atay sa BBB (Bahay ni Beng Balot) kasama ang tropang gk with tropang dota, lumabas ako. nasalubong ko ang prof ko at me chikka chikka ng lite na lite. sa di kalayuan nakita ko si Josefa (Joseph) na nakatambay sa tindahan nina Badz. andun din si Badz na pantasya ng bayan.

bangenge naman ako. shupal peslak lang. gumora ako sa pinakamalapit na suking tindahan at nakipag chikkahan ng slight kay Josefa. gumagawa ng assignment si Badz.

konting chikka. konting aura.

nang biglang marinig ko ang tinig ng anghel.

“(Insert name kez na trulili) kilala mo ba yung Reggie, nagmiscol sakin eh.” ang wika ni Badz.

natulalei ako ng bongga. at kilala niya ako. at parang ang casual ng tanong niyang iyon sa akin.

“kilala mo naman pala ako. si Reggie, ayun o yung nakasalamin na beki sa tindahan.” ang wika ko. matapos ang aftershock.

nakalimutan ko na mga sinabi niyang iba, kung meron man.

di pa din ako jumuwelya. naghahanap ng pag-uusapan.

“ang suplado mo naman kasi nagtetext ako wit reply. eksena lang? sa fb din me eksenang dedmahan galore.” ang wika ko sa kanya. sa hindi beking pananalita. natuwa lang ako sa zombadings1.

“globe kasi madalas gamit ko. baka natataon na ganun.” ang kaswal niyang sagot.

“at may globe ka pala. ano number mo. mag go globe na rin ako.” ang wika ko.

natawa siya pero inabot naman ang inilalapit kong phone para itype niya ang number niya. ibinalik sakin ang phonelilet. super save lang ng number. anlande ko noh!

umuwi akong masaya. wala akong barya kaya inutang ko muna ang binili kong RC sa tindahan nila. pakapalan lang eh. pa-close effect. gumaganun.

masaya ako. sana maging closefriend ko siya kagaya ng pagiging close nila ni Haris. sana maging katropa ko siya, kainuman, kakwentuhan, katext. yun lang naman. ayoko naman siyang maging boyfriend dahil alam kong napaka-imposibleng mangyari nun. at ayoko naman lumandi sa kanya. okay na yung friends, walang malisya. TRULILI. hindi ako nag iisip ng anupaman. gusto ko lang talaga ng bagong gwapong kaibigan na makakashare-an ng mga eksena sa buhay.

sana maging friends kami. sana.

Badz :-))

Sawi

Published Agosto 29, 2011 by FauRafili

ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam. kahit text, kahit online siya sa fb eh hindi man lang siya nag-me message sakin.

akala ko pa naman siya na.

kagaya niya, hindi na rin nagpaparamdam si Mar. pinag-usapan na siguro nila ako, pinag-awayan at napagkasunduang iwanan. takte. ako na ang masama, ako na ang ahas, ako na ang flirt, ako na ang mang-aagaw.

masama bang magmahal. masama bang humiling na mahalin din paminsan-minsan kahit na pakonti-konti?

pagkalog-in ko sa fb. me sumulpot na groupchat. andun silang magkakaibigan, sina Marko, Jethro at Jester. may nagsali sakin sa chatroom. malamang si Marko. biglang me message si Jester.

“kala ko ba tayo-tayo lang? bakit me (insert name ni Echoserang Frog)?” ang message ni Jester.

“hindi ko alam gago!” ang wika ni Marko.

“hindi rin ako malamang, hindi naman naka-add sakin yun eh!” ang sagot ni Jethro.

“kasama pa si (insert name ni Echoserang Frog), e di basa lahat ng napag-usapan naten!” ang wika ni Jester.

nasaktan nako. nagmessage ako.

“as if i’d like to be in this chatroom, someone might have added me for a purpose, ciao!” ang message ko saka ko inunfriend si Jester.

dedma na. im broken. pero hindi todo. mula ngayon hindi na ako basta-basta maiinlove sa kung sinu-sino lang. para tuloy na budul-budol gang ang puso ko. kasama na ang pagkatao ko.

Ikaw Na! (nga ba?)

Published Agosto 22, 2011 by FauRafili

“hinding-hindi nako makikipag-sex sa lalaki, kung hindi rin lang sa’yo.” ang wika ko sa kanya habang magkaharap kami, sa videoke bar, sa tabi ng jowa niyang kaibigan ko, sa harap ng mga kaibigan niya at kaibigan ko.

tinitigan niya ko sa mata. tila ba may hinahanap. katotohanan o pagkukunwari.

bigla ang pagtayo ni Mar, ang jowa niya na kaibigan ko. walk-out ang drama. narinig ata ang sinabi ko. napahiya ata sa tinuran ko, nabwisit ata sa ugali ko.

“ahas kang talaga. kahit kelan!” ang nakangiti at nagbibirong wika ni Enzo sakin.

tinaas ko angkaliwang kilay ko. kasabay ng pagtalilis ni Mar ay ang pagsunod ng tatlong bagets. nina Jester, Marko at Jethro, pawang mga high school boys na palaban. paglabas na paglabas nila. napangiti ako. magkahawak ang aming mga kamay. titig na titig siya sa aking mga mata na tila ba me hinahanap.

si Jester ...

– – – – –

hangover. hindi ko kailangan magising ng maaga dahil tanghali pa ang pasok ko. quezon city day at wala akong pasok sa isa kong work. dedma. super pahinga. pilit na inaalis ang sama ng pakiramdam sa nagdaang pakikipag bangengean.

“totoo ba yung mga sinabi mo kagabi?’ ang text sakin ni Jester.

“ang alin?” ang wika kong may halong pagtataka.

“na mahal na mahal moko, na hindi ka na makikipag-sex sa kahit sinong lalaki kung di rin sakin!” ang reply nya.

matagal akong naka-reply. biglang nanariwa sakin ang mga nangyari nang nagdaang gabi. takte. kakahiya. ano na naman ba ang ginawa ko. hindi ko alam ang sasabihin ko kaya patay malisya ako sa tinuran niya.

“grabe lasing na lasing ako kagabi. pasensya na sa inasal ko. kakahiya naman sayo. grabe kakahiya talaga mga inasal ko.” ang text ko sa kanya.

“oks lang yun. at least naging totoo ka sa sarili mo. am proud of you par…” ang reply niya.

uminit ang magkabilang pisngi ko. kinilig ng bongga. ano na to teh! inlove ba ako o ano? patay tayo jan! hindi ko malaman ang mararamdaman ko nang moment na yun. hindi nako nagreply. hindi ko na alam kung ano ang masasabi ko.

nagtexan kami sa mga sumunod pang mga araw. sweet. friendly. kakilig. so hayskul ang drama. pero naisip ko ang kaibigan kong si Mar, seryoso kaya siya kay Jester? nagagalit kaya siya sa mga ginagawa ko? sa pagkakakilala ko kay Mar, malayo. pero what if “mahal” na nga nyang talaga si Jester? nasasaktan ko na kaya ang kaibigan ko nang hindi ko nalalaman? syeeet!

Profane

Published Agosto 16, 2011 by FauRafili

niyaya ko si jason ng inuman. chikahan galore. tipid kasi kaming duwa lang. maya-maya dumating si Bheng at Maldo, me kumalat palang text message na nagyayayaya ako sa videokehan. si totoy ang salarin. nang dumating si totoy, joke niya lang daw yun, nagkataon naman na nandun talaga kami ni jason. gastos.

after nongga, pumunta ako sa Alley E. nakipagnonggahan kina Assel. bonggahan din naman in fairness. more laklak more fun. ayaw pakabog ng mga beki sa laklakan.

umuwi ako at natulog.

nagising ako at napansin kong wala na ang slapwatch ko, bigla kong naalala inarbor pala ni BFF, di naman ako nakatanggi kasi pag siya naman ang inaarboran ko binibigay niya ng walang pag-iimbot at buong katapatan (panatang makabayan?). yung bracelet pala na inarbor ko kay totoy ang suot ko na wala na din at hindi ko alam kung saan na napunta. naarbor ko naman yung dogtag ni totoy kagabi sa inuman kaya inisip ko na lang na may kapalit naman. sayang nga lang kasi matagal na yun sakin.

sinita ko yung bunso naming kapatid. nagpapautos daw kasi sa kung kani-kanino sabi nung nakababata ko rin kapatid. deny to death ang loko. galit pa pag sumasagot. kakaasar.

naalala ko tuloy last time, narinig ko habang nasa banyo ako.

Sisteratta: kinuha mo no? nakakaasar ka naman kinuha mo na naman!
Brudrabelles: mukha mo!
Sisteratta: isusumbong kita kay kuya!
Brudrabelles: sumbong ka. bakla naman yan eh!
Mujang: psst! pag narinig ka!
Brudrabelles: pakelam ko.
Mujang: nasa banyo.

paglabas ko. nagsusumbong si Sisteratta. dedma akembang. tanggap ko naman. nasaktan lang ako na galing sa bunsong kapatid namin. nag-iinit ang dugo ko pero pinigilan ko sarili ko. gusto kong magalit pero maii-stress lang ako. hanggang sa naungkat yun kanina.

“ikaw naaalala ko yung sinabi mo sakin ha!” sabay dutdot sa kanya. dedma siya. “bago moko laitin o pagsalitaan ng kung anu-ano siguraduhin mong kaya mo nako patumbahin! hindi yung puro ka bulong! wala ka namang ibubuga.” dedma siya at ang kapatid kong kani-kanina lang eh nakikicomment. “kapag kaya mo na ko! saka ka magsalita laban sakin! malaki ka sakin pero sinisigurado ko, kahit magtulung-tulong kayo, hindi niyo ko kaya! tandaan mo yan! kahit sino pinapalagan ko! ikaw pa???? kapalmuks ka din eh no. sa susunod na marinig kita, siguraduhin mong KAYA mo kong itumba. o baka ikaw ang gumulong saking hayup ka!’ ang wika ko sabay alis papasok ng trabaho.

kaasar kasi. antatapang. wala namang ibubuga. bastos pa. walang galang. nanay ko nga di ginagalang. subukan niya ko. kuya ko nga na pinanginginigan nila sa takot nilalabanan ko pag sobra na. SILA PA! mahal ko mga kapamilya ko pero kung babastusin lang nila ko eh gudlak sa kanila. saka siya umeksena pag kaya na niya buto niya. (angas lang???)

Wrong Move

Published Agosto 9, 2011 by FauRafili

nung birthday bash ko, nagkamali na naman ako.

kahit hindi ko naman talaga siya ganun kamahal, nasabi ko pa rin. takte. hindi naman ako ganun kalasing. ipinakilala ko pa naman sa kanya si saddam bilang boyfriend ko. ipinaramdam ko pa namang dedma na ako sa kanya nang nagsisimula pa lang ang party. ipinakita ko pa naman sa kaniyang madaming-madami na akong kaibigan, na hindi siya kawalan, na naka-move on na ako, na naka-get over na ako sa feelings ko sa kanya noon. sinira ng isang walang kakwenta-kwentang pagkekwento.

Jordan (EX) - Echoserang Frog - Son - Jenny - Kaz - Rere & Mark

“andami mo nang kaibigan, gwapo din naman boyfriend mo, antaba mo na, andami nang nagbago sayo.” ang wika niya.

“oo nga eh, anlaki na pala ng ipinagbago ko hindi ko man lang namamalayan, pero lam mo, mahal na mahal pa rin kita, walang makakapalit sayo sa puso ko, ikaw lang ang Joramel ng buhay ko, siguro talagang mahal pa rin kita, nasanay lang siguro ako na wala ka na kaya okay lang sakin na wala ka na ngang talaga, pero mahal pa din kita.” ang sagot ko.

ang cheesy diba! ang corny! ang baduy! ang konti ng snabi andami kong sinagot. ikaw na mag-inarte sa harap ng ex-boyfriend mong minahal mo nang bonggang-bongga. malalaki na ang dalawang anak niya. sila pa rin ng asawa niya. palabarkada pa rin siya. wala namang nagbago sa mukha niya, medyo nag mature lang nga ng kaunti. pero mukhang masarap pa ring kasex.

haynaku. bwisit! sira ang drama.

Bangengeng Bakla

Published Agosto 3, 2011 by FauRafili

pinapanood ko yung dinownload kong Super Inday sa cp ko nang sunduin ako nina Assel at Wheng. ayoko na sana pero mapilit sila. pumunta kami sa suking videoke bar at lumaklak. katext ko din si Haris habang umiinom kami. pagkatapos ng inuman sa videokehan eh pumunta ako sa Bahay ni Beng Balot. nag-iinuman sina Haris, Totoy, Don-Don, Jonathan, Jayson, Bheng atbp. hindi na ako nakaalis.

madaming eksena. umiyak pa si Totoy dahil nabadtrip ako sa kanya nang bigla siyang tumayo ay sabihing “chupain niyo ko! o ano ayan ibibigay ko na!” saming apat na bakla na naroroon. sinabihan ko siyang … “talaga lang ha! maka-chupa ka naman samin! oo bastusan eh!” ang wika ko sabay talikod. me luhud-luhod pa si Totoy. ang drama at in pernes ang babaw. tumulo talaga ang luha ng otoko. warlatik pa si Don-Don, nabadtrip ata kay Jonathan (Eloida MIrasol) na may mga side comment sa landian nila ni Haris. andami talagang eksena.

5am umuwi na ako. sa totoo lang dapat 4:45 nag aalarm na ang cp ko dahil yun na ang oras ng gising ko para maghanda sa pasok ko. natulog pa din ako. nagising ako ng 6:30am = eh dapat 6:15 nakaalis nako ng bahay.

  • wa ligo.
  • wa tutbras.
  • wa lapez.
  • wa palit brip.

gumora ako sa work. mahilo-hilo pa. hindi ako pepwedeng ma-late. nagdadasal na sana mauna ako ke Ely. o sana hindi pa shumoshowag si Bossing. mayayari ako.

ordinary ang sinakyan kong bus. wala man lang akong dalang payong. walang takot na baka bumagsak na naman ang malakas na ulan. pagbaba ko ng bus saka ko napansin. TAKTE! naiwanan ko ang wallet ko sa bus! dati-rati naman ay nakahanda na kasi ang jomasay kong i-pe-paysung sa konduktor. ngayon hindi ko naihanda kaya kinailangan kong ilabas ang wallet ko. hindi ko na naibalik sa bulsa ko. nalaglag ata pagtayo ko. BWISIT!

nandun ang atm ko sa BPI, BDO, Bank of Commerce, SmartMoney, ID ko sa Emission, Postal ID, TIN ID, mga ID Pictures, Suki Card, SM Advantage Card, Bench Card, mga bagong tagbebente, kaunting pera at syempre ang wallet ko mismo na penshoppe. and wait there’s more. ang pinakaimportante ang lumang bente na remembrance ni Ghelo! TAKTE!

wala man lang nagbalik sakin! wala man lang nagtext na nakita nila wallet ko kahit waley nang laman.

ayoko nang pagsamahin ang Red Horse, Videoke, Landian at Empi Lights!