Imbakan

All posts for the month Setyembre, 2011

Extra Rice sa Donna’s at ang Jigington Fever.

Published Setyembre 19, 2011 by FauRafili

isang linggo na ang lumipas matapos ang bangengeang ginawa ko.

uminom ulit ako. sa suking videoke bar kasama sina Haris at Joseph. hindi na ako nagpakalasing. tamang-tama lang ang drama. mga ganung eksena. hindi ata makukumpleto ang linggo ko kung hindi ako iinom. alcoholic.

matapos ang inuman namin. tumambay kami sa tapat ng tapsilogan. dumaan sina Badz at ang mga tropa niya. chinika-chika namin si Joshua na epek din. mga nag gi gym ang mga lolo mo. sina Badz, Joshua, Tata at Benjamin … mga bagets na maagang nag sipag gym kaya borta ang mga puta. delisyoso ang aura. sila sila rin ang mga hinarot ko sa tindahan nina Badz last time.

nilapitan ako ni Maldo ang pamhintang hindi mo maintindihan kung ano ba talaga. nag-iinuman daw sila nina Totoy and company sa balur nila. hinatak niya ako. kunwari naman ayoko pero nagpapahatak din. gusto kong lumayo kina Badz muna. naeelyahan ako sa mga borta. wit. di pwede! tumagay ako ng mga 2 baso saka sila magyayaang ilabas na lang ang RedHorse sa tindahan ni Beng Balot. kawawa naman daw kasi si Beng ang kanilang inang reyna.

pagdaan ko kina Badz, nasa tapat na sila ng tindahan nila. tinanong niya ako kung saan ako papunta. sinabi ko naman na iinom pa ng bongga. sama daw ako sa kanila. aba aba. gogora na akez. sinabayan ko pa rin si Totoy. pero tinext ko si Badz na babalik ako. at bumalik nga ako.

may pinuntahan kaming malapit na gym pero sarado na that time. nagkayayaan na lang na lumapez sa malapit na tapsilogan. pa-close na talaga ako. ang kapal ko lang. lahat sila otoko, ako lang ata ang diwata. tahimik lang ako. katabi ko si Badz, pareho kami ng inorder, naghati pa kami sa extra rice niya. siya ang nag-alok. ayoko sana. pero siya mismo ang naglagay sa plate ko. hindi ko alam kung nag ba blush ba ako.

matapos ang dinner date naming LAHAT. walkathon na naman kami pauwi. nasa bandang hulihan kami ni Badz, ayoko sana siyang sabayan kasi nahihiya ako. eh ala naman akong kausap, wala rin siya. super ask na lang ako ng mga tanong. na sinasagot naman niya ng walang pag-iimbot at ng buong katapatan. madami-dami din kaming napag-usapan. (potah kinikilig ako habang tinatype ko to!!!) may mga tanong din siya na siya na sinagot ko ng buong puso. me kwentong kanto, kwentong eskwela at kung anek anek pa. pagdating namin sa amin. tinanong ako nina Tata kung saan daw ba nila ako ihahatid. OO! bawal akong ihatid, strict ang parents ko! bet ko pang makipag charutan kaya sumama pa ako nang tumambay sila sa tapat ng tindahan nila Badz. tabi kami. ako unang umupo ha! tumabi lang siya. tuloy ang kwentuhan. nagsialisan na sina Tata, Benjamin, Joshua, Raymond atbp. pero andun kami ni Badz, kikalkal niya cp ko. nilalaro ang Angry Birds sa cp ko. bet din daw niya nung game na yun. sinabi ko na lang na papasahan ko siya kinabukasan.

“hindi na natuloy yung movie na panonoorin natin ah!” ang bigla niyang nasabi.

nagulantang ako. diyatat niyaya ko siyang manood ng Zombadings1: Patayin sa Shokot si Remington.

“hah! niyaya kita? weh! grabe di ko matandaan, dala siguro ng kalasingan ko nung gabing yun.” ang sagot ko.

“diba sabi mo gusto mo ipanood sakin yun kasi sobrang nakakatawa yun.!” ang wika niya.

depotek. diyatat gusto kong ipakita sa kanya ang eksena sa hagdan at sa itaas ng puno nina Jigs at Remington. sinabi ko na lang sa kanya na basta may time, though kung manonood kami eh pang apat na batch na siya na naisama ko sa Zombadings1. adik lang ako?

Bangengean to the Highest Level …

Published Setyembre 19, 2011 by FauRafili

sa alak ako humihirap ng lakas ng loob. tibay ng dibdib at kapal ng pez. korak!

niyaya kong uminom si Haris. gora si bakla. ayaw pakabog sa inuman at nagdiva-divahan pa. kumanta ba naman ng My Heart Will Go On, pero in fairness sa kanya me voice kaboom ang bruha. kering keri, walang sabit. kinabog ang shotlong babaitang nakikipa pa closan samin.

after namin sa suking videokehan, niyaya ako ni Haris sa birthday ng kaibigan niyang si Sonny. pero maliligo muna siya. naiwan ako, sa tindahan nila Badz. KORAK! umupo ako dun at chumika ng bongga. una, isang RC, tapos umorder nako ke Badz ng RedHorse. ayaw uminom ni Badz. keri lang. maganda ang kwentuhan, walang halong kaelyahan, tungkol sa love, tungkol sa pain, tungkol sa nasirang friendship nila ni Haris, tungkol sa lahat ng bagay. umikot-ikot ang wentuhan sa kung anek anek pang ka-echosan.

masarap siyang kausap. makwento pala ang mokong. di halata. kapag nagsasalita siya tinititigan ko ang mga mata. kabog. pero ayokong mahulog. maaaring yun ang maging wakas ng papausbong pa lamang na friendship namin. dumating ang ilan nyang barkada, sila na lang ang hinarot ko. wag na si Badz. iba siya. lahat ng pumupunta sa tindahan hinaharot ko.

dumating si Haris. nagulat si bakla. pa-close ang drama ko. niyaya ko pa uminom si Haris pero ayaw niya. siya na nagyayaya sakin kina Sonny. pero hindi pa ubos ang RedHorse ko. nauna na siya.

napaganda ang usapan. umorder pako ng isang bote. kwentuhan. seryosohan na to. alam ko kasi na kinabukasan, tutubuan na naman ako ng hiya at kaba na makita siya. moment ko to.

sinundo ako ni Haris. hindi niya ako iniwanan hanggat hindi ako sumasama sa kanya. wrong move. sa kalasingan ko. nagwala ako sa birthday ni Sonny (nalaman ko na lang kinabukasan) lahat chinichika ko. ang kapal ng mukha ko. hindi naman ako sumasayaw pero GRABEEE! isinumpa ko ang kalasingan kong yun. hindi na mauulit ang limang bote ng RedHorse. hindi ko na alam kung paano ako nakauwi.

nagising akong masaya. hanggang sa malaman ko nga ang eksenang pagwawala ko. badtrip. hindi ko tuloy alam kung me nakakahiya ba akong ginawa sa harap ni Badz.

pero tingin ko ito na talaga.

Ako na ang Beki ..

Published Setyembre 13, 2011 by FauRafili

huli ko siyang nakita noong birthday party ko.

oo na. inimbita ko siya kasi gusto kong ipakita sa kanya na malaki na ang ipinagbago ng lahat sa akin. pati puso ko. pero bigo ako. shutanginamesh na layfsung naman kasi itembang. wit ko kering mag move on ng bongs.

move on. get over it. ipakita sa kanya at sa madlang pips na wit ko na siya bet. AS IN! pero dala ng kalasingan at kabaliwan ko. hindi ko na nakontrol ang mga pinagsasasabi ko. akala ko kasi dramatic ang eksena ko. yun bang malungkot na mukhang masaya na hindi mo maintindihan at may itinatago palang sikdo sa dibdib.

“mahal na mahal pa rin kita, siguro nasanay lang ako na wala ka na sa tabi ko kaya dedma lang ako na wala ka.” ang wika kong me pinipilit na patuluin ang luha mula sa left eye ko. pero wit. hindi ko tuloy malaman kung naka move on na nga bang talaga ako o ano.

takte. umalis siya nung gabing iyon na nakatanim sa isipan na bet na bet ko pa rin siya.

ambisyoso.

ano yun? martir ng san pablo? gudlak naman diba. oo aaminin ko. bet ko pa siyang bookingin at magpaboross ng light na light sa kanya pero HALLLLER! wit ko na siya bet iyakan, eksenahan at kung anek anek pang ka-echusan. hindi naman ganun kadaks ang notring nya para sambahin. at hindi rin naman ganun kabongga ang fezlaboom niya para ipagpatayan.

tangina nya.

bitter? hindi no. kung bitter ako e di dinedma ko siya ng bonggang bonga. pero wit. inasikaso ko siya bilang isang normal na kakilala. YIIIZ, hindi jowa at hindi friendiva. kundi isang kakilalala lang.

bet ko siyang maka-sex. TAMA! pero wit ko siya bet balikan. EVER! antagal ko nang tigangers. bet ko na makipa charutan sa kama at bumongga ng tamang-tama lang sa eksena. ako na bakla. pero “AKO, SI ECHOSERANG FROG! AY PUMAPAYAG, NA MAGING BAKLA, HABANGGGGG BUHHHAAAAY!” corny lang. masaya kaya maging beki. kung alam lang nila. pero bet ko ring magka-keps. haha!

Sana :-))

Published Setyembre 5, 2011 by FauRafili

matapos ang laklakang umaatikabo, ang wasakang atay sa BBB (Bahay ni Beng Balot) kasama ang tropang gk with tropang dota, lumabas ako. nasalubong ko ang prof ko at me chikka chikka ng lite na lite. sa di kalayuan nakita ko si Josefa (Joseph) na nakatambay sa tindahan nina Badz. andun din si Badz na pantasya ng bayan.

bangenge naman ako. shupal peslak lang. gumora ako sa pinakamalapit na suking tindahan at nakipag chikkahan ng slight kay Josefa. gumagawa ng assignment si Badz.

konting chikka. konting aura.

nang biglang marinig ko ang tinig ng anghel.

“(Insert name kez na trulili) kilala mo ba yung Reggie, nagmiscol sakin eh.” ang wika ni Badz.

natulalei ako ng bongga. at kilala niya ako. at parang ang casual ng tanong niyang iyon sa akin.

“kilala mo naman pala ako. si Reggie, ayun o yung nakasalamin na beki sa tindahan.” ang wika ko. matapos ang aftershock.

nakalimutan ko na mga sinabi niyang iba, kung meron man.

di pa din ako jumuwelya. naghahanap ng pag-uusapan.

“ang suplado mo naman kasi nagtetext ako wit reply. eksena lang? sa fb din me eksenang dedmahan galore.” ang wika ko sa kanya. sa hindi beking pananalita. natuwa lang ako sa zombadings1.

“globe kasi madalas gamit ko. baka natataon na ganun.” ang kaswal niyang sagot.

“at may globe ka pala. ano number mo. mag go globe na rin ako.” ang wika ko.

natawa siya pero inabot naman ang inilalapit kong phone para itype niya ang number niya. ibinalik sakin ang phonelilet. super save lang ng number. anlande ko noh!

umuwi akong masaya. wala akong barya kaya inutang ko muna ang binili kong RC sa tindahan nila. pakapalan lang eh. pa-close effect. gumaganun.

masaya ako. sana maging closefriend ko siya kagaya ng pagiging close nila ni Haris. sana maging katropa ko siya, kainuman, kakwentuhan, katext. yun lang naman. ayoko naman siyang maging boyfriend dahil alam kong napaka-imposibleng mangyari nun. at ayoko naman lumandi sa kanya. okay na yung friends, walang malisya. TRULILI. hindi ako nag iisip ng anupaman. gusto ko lang talaga ng bagong gwapong kaibigan na makakashare-an ng mga eksena sa buhay.

sana maging friends kami. sana.

Badz :-))