Extra Rice sa Donna’s at ang Jigington Fever.

Published Setyembre 19, 2011 by FauRafili

isang linggo na ang lumipas matapos ang bangengeang ginawa ko.

uminom ulit ako. sa suking videoke bar kasama sina Haris at Joseph. hindi na ako nagpakalasing. tamang-tama lang ang drama. mga ganung eksena. hindi ata makukumpleto ang linggo ko kung hindi ako iinom. alcoholic.

matapos ang inuman namin. tumambay kami sa tapat ng tapsilogan. dumaan sina Badz at ang mga tropa niya. chinika-chika namin si Joshua na epek din. mga nag gi gym ang mga lolo mo. sina Badz, Joshua, Tata at Benjamin … mga bagets na maagang nag sipag gym kaya borta ang mga puta. delisyoso ang aura. sila sila rin ang mga hinarot ko sa tindahan nina Badz last time.

nilapitan ako ni Maldo ang pamhintang hindi mo maintindihan kung ano ba talaga. nag-iinuman daw sila nina Totoy and company sa balur nila. hinatak niya ako. kunwari naman ayoko pero nagpapahatak din. gusto kong lumayo kina Badz muna. naeelyahan ako sa mga borta. wit. di pwede! tumagay ako ng mga 2 baso saka sila magyayaang ilabas na lang ang RedHorse sa tindahan ni Beng Balot. kawawa naman daw kasi si Beng ang kanilang inang reyna.

pagdaan ko kina Badz, nasa tapat na sila ng tindahan nila. tinanong niya ako kung saan ako papunta. sinabi ko naman na iinom pa ng bongga. sama daw ako sa kanila. aba aba. gogora na akez. sinabayan ko pa rin si Totoy. pero tinext ko si Badz na babalik ako. at bumalik nga ako.

may pinuntahan kaming malapit na gym pero sarado na that time. nagkayayaan na lang na lumapez sa malapit na tapsilogan. pa-close na talaga ako. ang kapal ko lang. lahat sila otoko, ako lang ata ang diwata. tahimik lang ako. katabi ko si Badz, pareho kami ng inorder, naghati pa kami sa extra rice niya. siya ang nag-alok. ayoko sana. pero siya mismo ang naglagay sa plate ko. hindi ko alam kung nag ba blush ba ako.

matapos ang dinner date naming LAHAT. walkathon na naman kami pauwi. nasa bandang hulihan kami ni Badz, ayoko sana siyang sabayan kasi nahihiya ako. eh ala naman akong kausap, wala rin siya. super ask na lang ako ng mga tanong. na sinasagot naman niya ng walang pag-iimbot at ng buong katapatan. madami-dami din kaming napag-usapan. (potah kinikilig ako habang tinatype ko to!!!) may mga tanong din siya na siya na sinagot ko ng buong puso. me kwentong kanto, kwentong eskwela at kung anek anek pa. pagdating namin sa amin. tinanong ako nina Tata kung saan daw ba nila ako ihahatid. OO! bawal akong ihatid, strict ang parents ko! bet ko pang makipag charutan kaya sumama pa ako nang tumambay sila sa tapat ng tindahan nila Badz. tabi kami. ako unang umupo ha! tumabi lang siya. tuloy ang kwentuhan. nagsialisan na sina Tata, Benjamin, Joshua, Raymond atbp. pero andun kami ni Badz, kikalkal niya cp ko. nilalaro ang Angry Birds sa cp ko. bet din daw niya nung game na yun. sinabi ko na lang na papasahan ko siya kinabukasan.

“hindi na natuloy yung movie na panonoorin natin ah!” ang bigla niyang nasabi.

nagulantang ako. diyatat niyaya ko siyang manood ng Zombadings1: Patayin sa Shokot si Remington.

“hah! niyaya kita? weh! grabe di ko matandaan, dala siguro ng kalasingan ko nung gabing yun.” ang sagot ko.

“diba sabi mo gusto mo ipanood sakin yun kasi sobrang nakakatawa yun.!” ang wika niya.

depotek. diyatat gusto kong ipakita sa kanya ang eksena sa hagdan at sa itaas ng puno nina Jigs at Remington. sinabi ko na lang sa kanya na basta may time, though kung manonood kami eh pang apat na batch na siya na naisama ko sa Zombadings1. adik lang ako?

Advertisements

Click Here to Comment !

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: