Imbakan

All posts for the month Pebrero, 2012

Tamis

Published Pebrero 6, 2012 by i Am NeverLand

“bakla epek (cute) oh.” ang wika ko kina Jhayze (ah ewan kung bakit ganyang ang spelling niya ng Jay Cee) at Henson (Enzo). nilingon nila yung otokong umiinom sa tapat ng bahay nina Jhayze. napangiti pareho pero me kuda si Jhayze.

“kapit-kwarto namin yan eh. me asawa na yan. pulis yan eh, minsan nakakausap ko yan lage akong niyayayang uminom kaso wit ko betinnolla.” ang pagbibida ni bakla na true-blue at walang halong eklaboo na kaututang-dila nya ang umbao.

“keme. wag ka ngang charot. echoserang frog kang bakla ka. tinuro ko lang kilala mo na.” ang malditang wika ko.

“puro ka naman ganyan Jhayze eh. eh bakit di ka pinatagay nung dumaan tayo?” ang imbei na ispluk ni Henson aka Johnny Bravo na kumekembot.

wa-sey si bakla sa eksena ni Henson na yun. nanatili kaming mga fan na lang ng otoko. maliit siya pero maputi at cute. at yun ang bet ko lalo na ang borta niyang lean na lean ang peg.

———-

one night, habang naka-shombay ang mga bekimon sa tapat ng balurtsina ni Jhayze, dumaan si Kuya Tong. naglilipat ng mga gamit papunta sa harapan lamang ng bahay nila. ang pagkakaiba me gate. at me daanan patungo sa backstage ng bakery.

it’s my time to shine na. kaya pinilit ko si Jhayze na yayayain nyang mag-nomo si Kuya Tong. nabubuya ang baklang mahilig mang-rim (eeewness!) pero super pilit kami ni Henson sa kanya. makalipas ang ma-shugal na pa ayaw-ayaw pa ni Jhayze eh napapayag namin ang baklang borta-thione.

“sige, wait lang pagkatapos nitong paglilipat namin.” ang sagot ni Kuya Tong sa yaya ni Jhayze.

at yun na ang simula ng isang magandang pagkakaibigan. papakabog ba ako? siyempre ako ang pinaka naging close ni Kuya. eh nung panahon pa naman na yun eh ubod ako ng kalandian. namumulaklak pa lang kasi ang garden ko nun.

ilang beses namin siya nakaka-inuman. kung saan-saan, laklakero rin pala ang lolo mo. at eto pa student ako nun at siya ang me work kaya siya ang may pinakamalaking ambag saming apat. minsan nagpapabongga din si Henson kapag nagkikita sila ng bowa nyang shumintarily.

epek si Kuya Tong at epek din shang makisama sa mga beking mukang otoko kaya go lang ng go! saka ko naisip na parang bet ko shang maging bowa. pero ang eksena, kapapanganak lang ng asawa niya. kaya nagmamaldita ang murat. pinagseselosan ba naman akes. bakit daw ako text nang text at pasa ng pasa ng love quotes sa asawa niya. sabi ko na lang na gm (group message) yun. pero umeeksena pa rin ng bonggang bongga ang murat.

isang inuman, kung kelan tinakasan niya ang murat niya. masyado na kaming close to the point na harot na siya ng harot sakin. na todong nagpakilig sa mga laman-loob.

maya-maya. ang dauterang murat eh nagbanta na pupunta sa videoke bar na iniinuman namin at ipapahiya kami pare-pareho. as in me eksena pang babasagan daw kami ng bote. OO! PWEDE YUN EH!

kinabahan ang otoko. wala pa mang isang bote ang nalalaklak eh nagpaalam nang uuwi. pinayagan naman namin siya. pero sinamahan ko siya sa kanila, sabi ko kahit hanggang sa gate lang ng panaderya. hindi naman saw siya lasing, di na daw need na ihatid ko pa siya. pero it’s now or never. lumabas na kami ng videoke bar. inakbayan niya ako hanggang sa makarating sa gate ng balur nilang me panaderya.

“o sige na, baka gusto mo pang pumanik?” ang wika niyang nakangiti na tila ba nang-aasar.

“ah hindi na. baka kasi si na ako makalabas ng buhay diyan eh. sige balik nako dun sa bar.” ang paalam ko sabay talikod.

“sige ingat. enjoy na lang kayo dun ha!” ang wika niya saka tumalikod na rin.

biglang harap ako at … “Kuya Tong!” ang habol kong wika sa kanya.

humarap siya at nakita kong nakangiti pa rin siya. mabilis ang hakbang kong pabalik sa kanya. sabay yakap sa leeg niya at nagsalubong ang aming mga labi. isang napakatamis na ngiti na hinding-hindi matatawaran ninuman.

5 seconds ata. o baka higit pa ang paglalapat ng aming mga labi.

nagkatitigan kami. walang imikan.

“sige panik nako ha!” ang wika niya. saka kumindat at ngumiti nang pagkatamis-tamis.

ngiti lang ang sagot ko sabay hakbang patalikod… palayo. saka ako natalisod sa maliit na upuang nakaharang sa daan.

bumagsak ako sa lupa. “uyyy! okay ka lang?” ang wika niya paglapit sakin, habang ako’y patayo na.

“okay lang.” ang wika kong hiyang-hiya at may pilit na ngiti. “sige una nako.” ang wika ko. sabay lakad papalayo, this time nakatingin sa bawat hakbang ko. mahirap na. baka makadalawa ang karma.

EPIC FAIL amputa.